Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tigdas outbreak binabala sa 2021

0 77

Posibleng magkaroon umano ng tigdas outbreak sa susunod na taon kung kaya’t mahalagang pabakunahan ng mga magulang ang kanilang mga anak.

Inihayag ito ni Wilda Silva, manager ng National Immunization Program ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkoles.

Bagama’t bumaba umano ang mga kaso ng tigdas ngayong taon ay lumampas naman ito sa “epidemic threshold” sa mga rehiyon ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) at sa Caraga.

Kung kaya’t magsasagawa umano ng pagbabakuna ang DOH subalit gagawin ito sa mga barangay hall o gym para iwas hawa sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.