Abante Tonite Interactive

Tigdas outbreak: Higit 2K tinamaan, 55 patay sa Calabarzon

237

Umabot na sa 2,328 ang naitalang bilang ng mga tinamaan ng tigdas sa Region IV-A o Calabarzon.
Sa quick count na isinagawa ng Department of Health (DOH)-Calabarzon na pinamumunuan ni Regional Director Eduardo Janairo, nabatid na mula Enero 1, 2019 hanggang Pebrero 17 ay nakapagtala na ng 55 na nasawi dahil sa tigdas.

Pinakarami sa mga naitalang kaso ay mula sa lalawigan ng Rizal na may 1,268 na kaso at 40 pasyente ang nasawi.

Sa Laguna, nasa 325 naman ang naitalang kaso na may anim na namatay.

Abante Hiring – IT dep

Habang sa Cavite, nadale naman ng sakit ang 284 na mga pas­yente kung saan pito ang nasawi.

Sa Batangas at Quezon, naitala sa 236 at 216 ang mga kaso kung saan tig-isa ang mga namatay.

Tiniyak ng opisyal na patuloy silang gumagawa ng hakbang at programa upang tuluyan nang makontrol ang pagkalat ng tigdas sa nasabing rehiyon, at kabilang dito ang mass immunization.