Abante Tonite Interactive

Tigdas outbreak umakyat sa 4,300 kaso — DOH

By
0 138

Inamin ng Department of Health (DOH) na hindi pa nila kontrolado ang tigdas outbreak sa bansa kung saan higit 4,000 indibidwal na ang tinamaan ng naturang sakit at 70 katao na ang namatay sa loob lamang ng mahigit isang buwan.

Base sa datos na inilabas ng DOH-Epidemiology Bureau nitong Lunes, nasa kabuuang 4,302 kaso ng tigdas at may 70 patay na ang naitala mula Enero 1 hanggang Pebrero 9, 2019.

Nasa edad na isang buwan hanggang 31-taong gulang ang mga nasawi at 79% sa kanila ay hindi nabakunahan o walang history ng bakuna.

Habang ang mga dinadapuan naman ng tigdas ay nagkakaedad lamang ng mula isang buwang gulang hanggang 75-taong gulang.

Nalaman na sa pangkalahatan, 66% ng mga pasyente ay hindi nabakunahan kaya dinapuan ng sakit.

Pinakamarami umanong kaso ang naitala sa National Capital Region na umabot sa 1,296 kaso at 18 patay; kasunod ang Calabarzon na may 1,086 kaso at 25 nasawi; Central Luzon na may 481 kaso at tatlong patay; Western Visayas na may 212 kaso at apat na patay; at Northern Min­danao na may 189 kaso at limang patay.