Abante Tonite Interactive

Tigil combat operations sa holiday season para sa mga Filipino! – Duterte

By
50

Ang kaligtasan ng mamamayang Filipino ang pangunahing isinaalang-alang ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya nito ipinag-utos ang suspensiyon ng combat operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ng Pangulo kahapon na dapat maayos na makapagdiwang ang mga Filipino ng walang iniintinding kaba at stress.

Kung ayaw aniyang suklian ng New People’s Army (NPA) ang aksiyon ng gobyerno ay wala siyang magagawa.

“If ever I will declare a ceasefire it will be for the benefit of the people. So that they will spend Christmas less strain less pressure and they do not expect something like it purposely battle na maghahanap ng away. If the communists will opt to do this, wala, kung ayaw nila ‘di ‘wag. I’m doing it just for the Filipino,” ang pahayag ng Pangulo.

Samantala, nilinaw naman ni Presidential spokesperson Harry Roque, na ang idineklara ay hindi Suspension of Military Operations (SOMO) kundi Suspension of Combat Operations.

“Unilateral po ito. Ang sabi po ng militar, ang dineklara po ay Suspension of Combat Operations dahil may pagkakaiba pa pala po ‘yan sa suspension of… iyong SOMO no. So, combat operations po ang suspended,” ang paglilinaw ni Roque.