Abante Tonite Interactive

Tigil pasada ng ACTO arangkada ngayon

251

Tuloy ngayong umaga ang tigil pasada ng grupo ng transportasyon laban sa sa PUV Modernization Program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) President Efren De Luna, isasagawa ang kilos protesta ng kanilang mga kasaping driver at ibang grupo ng transporatasyon sa Quezon City Memorial Circle ngayong July 15.

Sinabi ni De Luna na magtitipon-tipon ang kanilang mga miyembrong driver sa Quezon City Memorial Circle ngayong alas-8 ng umaga bago magtungo sa tanggapan ng LTFRB) at doon ay magsasagawa sila ng transport strike.

Ito ay upang Iprotesta nila ang ilang guidelines sa ilalim ng public utility vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno.

Ipinag-uutos sa ilalim ng PUV modernization program ang pag-aalis sa mga jeep at bus na mahigit 15 taon na ang tanda at pagpapalit sa non-Euro 4 compliant engines ng bagong mo-delo na ipinag-utos ng gobyerno.

Binigyang diin ni De Luna, na ang PUV modernization ay kasinungalingan dahil hanggang sa ngayon ay walang bangko na nagpapautang para sa kooperatiba sa ipinapalabas na modernong PUV na hindi naman kayang bayaran ng mga driver .

Sa mga modernong sasakyan gaya ng electric PUV ay hindi naman anila kayang umakyat sa matataas na lugar tulad sa Baguio at limitado ang kilo-metrong tatahakin.

Anila, kailangang maiparating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hinaing ng mga driver laban sa modernisasyon ng PUV bago ang gagawin nitong State of the Nation Address (SONA) sa July 22, 2019. (Dolly Cabreza)