Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tigil putukan sa PNSA

0 221

Hinto muna ang mga barilan sa dalawang shooting range ng Philippine National Shooting Association (PNSA) sa Metro Manila simula nitong Lunes, March 8.

Nabatid ito ng TP Huwebes sa isang social media post ni PNSA pistol director Ronaldo Hejastro, siya ring pistol and rifle training & competition in charge ng samahan.

Aniya, Linggo pa pinaalam sa mga kinauukulan ni PNSA secretary general Iryne Garcia ang hakbang ng liderato bunsod sa pagsirit ng kaso ng COVID sa National Capital Region.

Related Posts

Sa Philippine Sports Commission (PSC) range sa PH Marines compound sa BGC, Taguig at sa Bureau of Corrections (BuCor) National Bilibid Prisons sa Muntinlupa ang dalawang range ng PNSA.

Apektado ng memorandum ang pamunuan ng PNSA na ang ilan ay mga tumutudla pa rin, national training pool members at staffs.

Pero lalakarin din agad ng asosasyon ang permiso sa Inter-Agency Task Force (IATF) at sa Local Government Unit (LGU) ng dalawang lungsod ang permiso para makabalik sa lalong madaling panahon sa putukan ang mga shooter.

Leave A Reply

Your email address will not be published.