Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tigil-turok ng AstraZeneca 2 linggo lang

0 406

Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng ilang naturukan ng AstraZeneca vaccine, kasunod ng pagpapatigil ng paggamit nito sa mga edad 59 pababa dahil sa mga ulat ng blood clotting.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang nauulat sa bansa na nagkaroon ng nasabing adverse event.

“So for this precautionary measure, maybe it’s just going to last about two weeks for us to have all of these recommendations at kung positive naman po ang rekomendasyon, tayo po ay magtutuluy-tuloy dito sa pagbabakuna ng AstraZeneca,” ani Vergeire.

“Ang second dose po ng mga nabigyan na ng AstraZeneca would be around end of May pa or June kaya alam po natin na darating iyong AstraZeneca vaccines from COVAX and also iyong recommendation ng WHO aantayin natin para maituloy po natin itong pagbabakuna na ito,” aniya.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na hindi mapipigil ng suspensyon ng paggamit ng AstraZeneca vaccine ang tripartite deal para sa 17 milyong dose nito.

“Everybody’s going forward because 70% of the value of these vaccines have been paid, 30% is due upon delivery and we need these vaccines badly,” sabi ni Concepcion sa isang panayam.

Leave A Reply

Your email address will not be published.