Abante Tonite Interactive

Tigilan ang paninindak — Trillanes

By
19

Iginiit kahapon ni Sen. Antonio Trillanes IV kay Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan ang paninindak sa kabila ng banta nito na bubuo ng isang komisyon na mag-iimbestiga sa isyu ng korapsyon sa Ombudsman.

“Kay Mr. Duterte, tigilan mo na ang mga paninindak mo sa mga taong tumitindig para sa tama at para sa katotohanan,” pahayag ni Trillanes sa kanyang text message sa mga reporter kahapon.

Sa halip na manindak, hinamon muli ni Trillanes si Pangulong Duterte na magpakalalaki na lang ito at harapin ang hamon sa kanya na lagdaan ang bank waiver para malaman ang katotohanan tungkol sa ibinibintang niyang mga ill-gotten wealth.

Abante Hiring – IT dep

“’Wag ka magtago sa kapangyarihan ng presidente. Magpakalalaki ka at harapin mo ang mga paratang sa’yo. Kung wala kang tinatago, pumir­ma ka ng waiver para malaman ang katotohanan,” sabi ni Trillanes.

Hiniling din ng senador sa publiko na suportahan sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang na siyang namumuno sa pag-imbestiga kaugnay ng umano’y tagong yaman ng Pangulo.