Abante Tonite Interactive

Tigilan na ang sisihan kay Eddie

517

Alwin Ignacio

Habang hinahantay nating lahat ang himala para sa pambansang kayamanang si Ginoong Eddie Garcia, marami pa ang mga tanong na kailangang masagot.

Anon nga pala ang nangyari sa “internal investigation” na ginawa ng GMA 7 tungkol dito? May resulta na ba? May umako na ba sa responsibilidad?

Hanggang kailan ang “do not resuscitate” state ni Ginoong Garcia? Ang dasal nating lahat, he survives the ordeal. If he does survive, anong physical state naman kaya ang kanyang haharapin? Sa mga doctor na humahawak sa kanyang kondisyon, pakipaliwanag po sa aming lahat ang gravity of his current situation?

Sa mga nagtratrabaho sa industriya, anong aral ang mapupulot sa pangyayaring ito? Maiiwasan ba talaga ang ganitong pangyayari? Kung ito ay aksidenteng wala naman talagang may gusto, nanagyari ito during “work,”

hindi ba dapat ang lahat ng gastusin, medical at incidental expenses ba, ang GMA 7 ang sumasagot para sa pambansang kayamanan?

Ano ang pananagutan ng “Rosang Agimat” production team sa kaganapan?
Hindi na dapat magsisihan pa. Kung sino any may pagkakasala, panagutin. Lahat ng tulong na pwedeng ibigay kay Ginoong Garcia, lalo na ang pinansyal. Hindi ito ang panahon ng finger pointing at finding fault pero hindi rin tama na hindi panagutin ang dapat panagutin.

Singer na walang utang na loob ayaw panoorin sa concert ni Anton

Kamusta kaya sa r­atings ang unang dalawang gabi ng bagong StarStruck? Sa unang gabi nito, karamihan sa mga entertainment press ay dumalo sa Anton Diva SHINE concert sa Cuneta Astrodome. Kung pagbabasehan ko ang mga social media posting, matagumpay ang concert ni Anton, marami ang paying audiences at maging ang mga press na dumalo, parang nag-enjoy sila sa pagtatanghal.

Kuwela lang sa akin ang hanash mula sa isang katotong manunulat na nagpapasalamat na hindi niya ito pinanood dahil may isang panauhin sa show na best in walang utang loob .

Ang iba naman, nasa EDDYs Nominees Dinner kung saan hobnobbing sila sa mga posibleng mag-viktoria. Kung dumalo lahat ang mga nominee lalo na sa acting categories, ibang klase ang estrella powers nun at ang dinner with the editors eh talaga naman shala event.

Siyempre pa, ang ilan, kung saan kasama ang diva that you love nasa Culion’s Final Cast Announcement kung saan inahayag na ang ikatlong bidang babae, ang the Curtis who can act, si Jasmine Curtis-Smith.

Maaring mas marami na ang nakapanood sa StarStruck kahapon, Linggo pero excited ba talaga ang entertainment media sa rea-lity based artista search? Kamusta naman ang mga loyal Kapuso fanatic, dama na ba nila agad ang pag-entrada nito or is it too early to tell.

Ang isa kong kaibigan, ang obserbasyon, yung season one ang pinaka-impressive batch at ang best graduate nito siyempre pa ay si Jennylyn Mercado na talagang nag-survive sa showbizlandia.

Andiyan pa rin namang sina Yasmien Kurdi, Katrina Halili, Sheena Halili, Jackie Rice, Mark Herras at Mike Tan pero kahit pag sama-samahin mo pa ang anim kong binanggit, they are nowhere near sa naabot ni Jen at maintained niya ang kanyang estrella power at stature, hindi ba naman?

Ang isa pang kapwa scribe, isa sa top trends sa isang social media site ang programa. Juice colored! Ning, alam naman natin na hindi porke trending ka sa Twitter eh indicator na talaga ito na of Cecil de Mille proportions ang sumubaybay sa talent search.

Si mareng ultra-maldita, ang hanash patungkol rito: “I watched it out of curiosity. It is a so-so production. The aspirants, well most of them, are not promising. The staging is very sophomoric. Sorry ha but i dont see any potential of this show. Commercial-wise konti lang ang tv ads. I would like to think that the show is a lot of dreams, a few believers and even fewer survivors. That’s all.”

Agree or disagree ba kayo sa pagmamataray ni mare o masyado pang maaga to make such a conclusion? Kasi, kung baga sa kanin, kasasaing pa lamang nito, may panahon pa para mainin at sumarap ang “StarStruck” lalo na siguro pag nagdabog na ang bangs ni Cherie Gil, huh!