Abante Tonite Interactive

Tigilan na ang tagpi-tagping proyekto laban sa baha – Binay

By
402

Hinimok ni Senador Nancy Binay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na itigil ang localized patchwork approach sa pagbibigay-solusyon sa mga pagbaha at sa halip ay bu­malangkas ng integrated flood management plan.

Ayon kay Binay, dahil sa climate change at ra­pid urbanization, panahon na upang bumuo ang DPWH ng fully national-level flood management plan upang pagsama-samahin ang iba’t ibang flood plan ng mga local government unit.

“Sa ngayon, ang DPWH ay naka-focus ang mga ginaga­wang flood control ma­nagement plan sa urban flooding at hindi gaano sa rural flooding. Napaka-localized ng focus at kapag dumating ang habagat o bagyo, totoong ngang nawala ang baha sa isang lugar, kaso napunta naman ang tubig doon sa mga karatig-bayan,” saad ni Binay.

Sinabi ni Binay na nauunawaan niya ang mandato ng DPWH na resolbahin ang dekada nang mga problema, subalit dapat ani­yang ti­gilan ang retail approach.