Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tigok kay ‘Dante’ akyat sa 6

0 174

Umakyat na sa anim katao ang kumpirmadong patay sa pananalasa ng bagyong ‘Dante’ sa Pilipinas, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Samantala, tatlo pa ang patuloy na pinaghahanap.

Sinabi ng NDRRMC na ang mga namatay at nawawala ay nasa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Davao, at Soccsksargen regions.

Kabilang sa mga bagong nasawi ang 49-taong-gulang na lalaki sa Hinoba-an, Negros Occidental na tinangay ng flashflood.
Ang ikaanim namang namatay ay ang 51-anyos na lalaki na nalunod sa baha habang pilit na nililigtas ang kanyang kalabaw sa Dumanjug, Cebu.

Samantala, nawawala naman ang dalawang bata na edad 2 at 7 nang tangayin ng baha sa Calubian, Leyte.
Nawawala din ang lalaki na tinatayang nasa 40 taong gulang.

SM food to go Banner Ad

Patuloy ang search and rescue operation sa tatlo.

Samantala, muling pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) si ‘Dante’ bilang tropical depression.
Magugunitang alas-dos ng madaling-araw, Hunyo 4, nilisan ng bagyong ‘Dante’ ang PAR.

Ayon sa Pagasa, nasa 210 kilometro west-northwest ng Basco, Batanes ang masamang panahon.

Itinaas ang Signal No. 1 sa Batanes, na makararanas ng malakas na hangin sa pagdaan ni ‘Dante’. (Kiko Cueto/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.