Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tigok sa heart attack mas marami kesa COVID

0 81

Wala na sa top 3 leading cause of death ang COVID sa bansa.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, sakit sa puso ang pangunahing cause of death sa bansa mula Enero hanggang Pebrero ngayong taon, kasunod ang sakit sa utak o cerebrovascular diseases at pangatlo ang kanser o neoplasm.

Sabi ng PSA, sakit sa puso ang ikinamatay ng 9,122 noong unang dalawang buwan ng taon, cerebrovascular disease naman ang sa 4,351, kanser naman ang ikinamatay ng 3,881.

Ayon sa PSA, 3,007 ang namatay dahil sa COVID at 2,377 dito ay mga kumpirmadong kaso ng COVID.

Diabetes naman ang ikinamatay ng 2,882 at 2,565 sa hypertension. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.