Abante Tonite Interactive

Tigresses biyaheng semis

84

Dumaan sa pigaang five sets ang University of Sto. Tomas bago nasiguro ng Tigresses ang sampa sa semifinals ng Shakeys V-League Season 13 Reinforced Conference sa PhilSports Arena Miyerkules ng gabi.

Sinakmal ng Tigresses ang pang-limang panalo sa anim na laro matapos kalusin ang Laoag 25-22, 25-27, 18-25 27-25, 15-12 at patibayin ang hawak sa tuktok ng team standings.

Isang malutong na kill mula kay UST ­spiker Cherry Rondina ang tumapos sa Power ­Smashers sa fifth set.

Tumikada si EJ Laure ng 22 points kasama ang 21 attacks at isang service ace para tulungan ang UST na makopo ang unang spot sa semis.

Nag-ambag si Mari­vic Meneses ng 14 points, tumapos ng 13 si Rondina para sa Tigresses.

Naglista si ­Grethcel Soltones ng 27 hits para sa Laoag na may 2-3 karta, kasalo ang Air Force at University of the ­Philippines sa fifth.

Balik sa ­win-column ang Lady Jet Spikers nang ibaon ang Coast Guard 25-11, 25-19, 25-8 sa first game.

No. 2 sa 3-1 ang Customs Transformers na bi­na­banderahan nina ­Alyssa Valdez at dalawang Thai enforcers, nasa joint third ang Pocari Lady Warriors at BaliPure Water Defenders sa 2-1, kabuntot lang ang 2-3 na Laoag Power Smashers, UP Lady Maroons at Jet Spikers.