Abante Tonite Interactive

Tikas ni Ylagan nagtaob sa Parañaque

218

Madaling nakaahon sa walong puntos na pagkaiwan sa opening quarter ang Muntinlupa sa tikas ni John Genmar Ylagan na rumatsada ng 22 points, 6 rebounds at 2 assists para timbugin ang Parañaque, 87-78, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup eliminations Martes sa Blue Eagle Gym, Quezon City.

Impresibo rin ang pinakita nina Ryusei Koga at John Kevin Ortuoste na mga lumagare ng 22 at 19 markers, ayon sa pagkakasunod, para makalayo ng 11 points sa final period pa-back-to-back win at iangat ang Cagers sa 2-2 para sa 12th spot sa Group B (South Division) standing.

Nabasura lang ang double-double job ni Vinny Dale Vegaso na 18 pts. at 11 boards off-the-bench dahil sumalampak ang Patriots sa 2-4 na para sa ika-11 puwesto ng Group A o North Division ng 31-team tournament.

Samantala, pinalitan ni Ro-nald Cuan si Buds Reyes bilang coach ng Imus tapos malagak ang Banderas sa 1-3.