Abante Tonite Interactive

Tiket sa EXO concert katawan ang kapalit

451

Huling gabi ngayon ng 2 nights concert ng EXO sa bansa. Ito’y pinamagatang EXO Planet #5- EXplOration in Manila.

Nag-trending ang hashtag na Philippines Welcome EXO sa Twitter account noong Thursday.

Supposedly, one night lang ang concert ng EXO sa bansa sa Mall of Asia Arena. Pero nang mag-open for sale na ang ticket, ilang minuto pa lang ay nag-sold out na ang first night.

Dahil dito, nag-desisyon ang Pulp na gawin na itong two nights.
Noong mag-concert ang EXO sa Seoul, Korea, sa tatlong gabi ng concert ay sold-out lahat ito.

Sa artikulong lumabas sa koreaboo.com, naka-schedule rin sa Taipei, Taiwan ang EXplOration concert ng EXO sa September 28 at 29, pero pagkalabas pa lang din daw ng ticket selling ay sold-out na agad sa loob lang ng ilang minuto.

Naloka na lang daw ang mga Taiwanese dahil sa mga nababasa nila sa social media na ‘yung iba, ino-offer na ang sarili kapalit ng EXO tickets. Usually sa nga scalpers daw na nakakakuha ng marami at ibebenta ng mas mahal.

Ilan sa comments na mababasa raw, “I heard that a fan used their body in exchange for tickets for EXO. I thought it was just a matter of hearing and there’s no way that it’s true… Am I so old that I cannot keep up with modern day values?”

May comment din na, “Two EXO concert tickets for a private night.”

Iniisip na lang daw na baka joke na lang ito ng ibang fans para makakuha ng ticket. ‘Yung iba naman, sinasabing hindi raw ito masama at all, choice na raw ‘yun ng may katawan na gawin ang gusto nilang gawin para lang magawa ang gusto. Sabi pa, “times are changing, so if this is the way to get what they want, they can do it.”

Grabeng pagka-K-pop fanatic na talaga, huh!