Abante Tonite Interactive

‘Til death do us part: GF pinakasalan kahit patay na

700

‘Till death do us part’.
Ito ang pinatunayan ng isang nobyo sa nasawing kasintahan dahil kahit bangkay na ay hinarap pa rin niya ang kanyang ‘bride’ sa dambana upang mag-isang dibdib sa Rodriguez, Rizal.

Viral ngayon sa social media ang love story nina Ryan Casidsid at yumao nitong nobya na si Rich Jimenez matapos i-post ng kaanak ng groom ang kanilang pagpapakasal sa Our Lady of the Most Holy Rosary.

Sa video ay makikitang naglalakad sa aisle ng simbahan si Ryan. Kasunod nito ay ang kabaong ng nobya na naka-wedding gown.

Sa hiwalay ding video post ay masasaksihan kung paano hinalikan ng binata ang bangkay nang mapapangasawa sa pagtatapos ng wedding rites kung saan kalimitang sinasabi ng pari na ‘you may now kiss the bride’.

Si Rich ay napag-alamang namatay sa sakit na Tuberculous meningitis.