Abante Tonite Interactive

Tim pupukpukin na ang Gilas

678

Pukpukang ensayo na ang Gilas Pilipinas bago ang siklab ng men’s basketball competitions ng 2019 Southeast Asian Games sa December.

Depende sa resulta ng quarterfinals ­pairing ng PBA Governors Cup, ­magkakaroon ng ­araw-araw na ensayo ang Nationals bago umpi­sahan ang kampanya sa Disyembre 4.

Kagabi ay nagbakbakan pa ang NLEX at NorthPort, at TNT kontra Magnolia.
Parehong tinapos ng Ginebra at Meralco ang quarters assignments, dinaan sa isang bigwasan ng Gins ang San Miguel tapos sipain ng Bolts ang Alaska.

“If they finish theirs (quarterfinals) off in a hurry, then maybe we’re looking at 11 practices including two-a-days,” ani Cone tapos ng 100-97 win sa SMB nitong Linggo sa Smart Araneta ­Coliseum. “If not, we’ll hopefully get nine practices, we’re ­looking at nine consecutive practices.”

Sa tingin ng coach ay sapat ang mga nala­labing araw ng praktis para magkagamayan.

“Sure, I would love to have more time, more games to do certain things. But at this point, with the restraints that we have, I think that’s enough,” ­dagdag niya. (VE)

All-pro ang Gilas kina Japeth Aguilar, Stanley Pringle ng Ginebra, June Mar Fajardo, Chris Ross at Marcio Lassiter ng San Miguel, Troy Rosario at RR Pogoy ng TNT, Vic Manuel ng Alaska, Matthew Wright ng Phoenix, Christian Standhardinger ng NorthPort at Kiefer Ravena ng NLEX. (VE)
“I think I can help them out enough that they can get into a system both defensively and offensively and have something to run that they can be pretty good at,” wakas na pahayag ni Cone.