Abante Tonite Interactive

Tim Yap, naniwalang BUNTIS SI RUFFA

By
16

Nakakaaliw ang magkaibigang Ruffa Gutierrez at Tim Yap sa viewing party kamakalawa.

Hindi pa kasi nagsisimulang ipalabas ang It Takes Gutz to be a Gutierrez ay naiinip na si Tim at gustong malaman kung ano ang pasabog ng pa­milya Gutierrez sa pilot episode ng kanilang 5th season, kaya nag-imbento si Ruffa.

“Huwag kang maingay aaminin ko na, na buntis ako!” biro ni Ruffa kay Tim na kunwari ay seryoso siya.

Naniwala si Tim at na-excite at sinabihang kailangan ninong siya sa ipinagbubuntis ni Ruffa.

Pero biro lang ‘yon at nalokah si Tim na hindi pala totoo at ang engagement nga nina Richard at Sarah ang ‘pasabog’ sa pilot telecast ng 5th season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Tawa nang tawa si Ruffa nang sitahin siya ni Tim after ipalabas ang pilot telecast ng kanilang reality TV series.

“My gosh, nakakaloka! Akala ni Tim totoong buntis ako at mapapanood sa show. Hahaha!

“Hindi kasi siya makapaghintay, kaya ‘yon ang sinabi ko. Naniwala naman siya,” sey pa ni Ruffa.

Teka! Hindi kaya seryoso si Ruffa na gusto pa niyang magkaroon uli ng anak lalo na at magti-13 na ang bunso niyang si Venice sa Setyembre 11?

***

MARAMING natuwa sa napanood nila sa 5th season pilot telecast noong Lunes ng It Takes Gutz to be a Gutierrez kung saan ay ni-reveal nina Richard Gutierrez at Sa­rah Lahbati na engaged na sila.

Trending ang tungkol sa engagement nila.

Sa Switzerland nag-propose ng, “Will you marry me?” si Richard kay Sarah.

Nag-yes kaagad si Sarah sa alok ni Richard.

Ayon sa Gutierrez matriarch na si Annabelle Rama, sinabi lang nila na viewing party ang event nila noong Lunes sa Bo­nifacio Global City.

Nang pinaplano nila ang tungkol doon ay nagtatalo sila ng kanyang pamilya kung sasabihin ba nilang engagement party ‘yon.

“Noong una, gusto nilang sabihin sa 120 na iimbitahin na engagement party ‘yon.

Ayokong pumayag dahil hindi na maililihim. Mape-preempt ‘yung first episode ng 5th season ng It Takes Gutz to be a Gu­tierrez.

“Pumayag ang pamil­ya ko na gawing viewing party na lang ang sabihin namin sa event namin kagabi,” sey ni Bisaya nang makausap namin kahapon.

Sa bilis kasi ng social media, imposibleng hindi ma-preempt ang kanilang reality TV series sa E! kaya careful sila sa pasabog nilang ‘yon sa pilot telecast ng kanilang 5th season.

“Noon pa, marami na ang nagtatanong kung may ikakasal ba sa 5th season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez, pero tahimik lang kami.

“Hindi namin masa­bi na nag-propose na si Richard kay Sarah sa Switzerland. Na engaged na sila.

“Ngayon naman, ang tungkol naman sa kasal ang pag-uusapan na,” sey ni Bisaya.

Nasa viewing part­y rin noong Lunes ang nanay ni Sarah na si Esther Lahbati at natawa ang mga bisita nang ipa­kilala siya ni Bisaya at sabihing, “Wala kaming away ngayon!”

Nagpadala ng VTR message ang tatay ni Sa­rah na si Abdel Lahbati na masayang-masaya na finally ay engaged na ang anak at si Richard.

Scene stealer pa rin ang anak nina Richard at Sarah na si Zion dahil panay ang sayaw niya kapag tinutugtog ang Blue Suede Shoes.

Gusto pa niyang kantahin sa event na ‘yon ang kanta ni Elvis Presley na paboritong kantahin ng kanyang Lolo Eddie Gutierrez.

Sabi ni Bisaya, dapat abangan ang second episode ng It Takes Gutz to be a Gutierrez sa E! (on Sky Cable Ch. 57, Cignal Ch. 61, Cablelink Ch. 33 and other cable ope­rators nationwide) dahil idedetalye pa nina Richard at Sarah ang tungkol sa kanilang engagement.