Abante Tonite Interactive

Timbog ni Madir :Aktor naka-underwear sa kama ng aktres

1,470

NI:ALWIN IGNACIO

Matagal na palang kinukutuban ang nanay ng isang aktres. Alam niyang lahat ng mga sinasabi at binabasa niya sa social media, ay maaring may katotohanan. Iba talaga pag nanay na ang kinutuban. Mother knows best, ika nga lalo na ngat bulong-bulungan na diumano, may likas na kalandian at mas makati pa sa gabi ang actress na kanyang iniluwal.

Isang araw, dinaig pa ni nanay ang isang detective, Sa disoras ng gabi, palihim itong pumunta sa bahay ng anak nito. May spare keys pala ang nanay. At dahil alam niya ang pasikot-sikot sa bahay nito, nakapasok sa loob, walang ingay ang kanyang paglakad at dali-daling pumunta sa kuwarto ng aktres.

Bago niya pa mabuksan ang pinto, ang aktres at nagbukas na ito na siyempre pa, shookt na shookt na bumalaga ang nanay niya. Ang nanay naman, halos himatayin dahil ang kanyang kutob, ay nagkatotoo. May lalaki na nakahiga sa kama, na tanging underwear lamang ang saplot. Siya ay ng aktor na ayon sa mga dalahira at katkatera, eh dyowa ng kanyang anak.

Bakit kaya underwear lang ang suot ni actor? Ano iyon, katatapos lang nilang mag-jack en poy, hale-halehoy, sinong matalo siyang unggoy? Pinigilan nga ba ni nanay na mag-Vilma Santos school of acting para na rin sa kahihiyan ng kanyang anak? Hindi na kasi naitangging mahal niya talaga ang actor at ito ang tunay na nagpapaligaya sa kanya. Ang actor naman, dali-dali nga bang nagbihis, nagpaumanhin sa nanay at nag-second the motion sa actress, na talagang mahal nila ang isa’t-isa.

Juice colored! Isa na naman itong patotoo na “ang pag-ibig pag pumasok sa puso ninoman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang!”

Tonite – Wendys Inhouse Ad