Abante Tonite Interactive

Time Management

By
2,093

Kung hindi man paborito ay madalas nating naririnig ang motto na “Time is Gold” kaya naman huwag sayangin ang bawat segundo sa pagsasabi ng mamaya na kung pwede namang ngayon na.

Talaga namang ang panahong lumilipas ay mahirap nang maibalik at kung babagal-bagal ka ay talagang mapag-iiwanan ka ng oras.

Hindi oras ang mag-a-adjust sa’yo, kaya narito ang ilang tips na tutulong sa’yo upang masulit mo ang bawat segundo.
Start your day right. Don’t rush into the day. Cool ka lang. Ang mga bagay na minamadali ay hindi nagiging maganda ang resulta kaya naman isa-isa lang. Unahin muna ang mga bagay na mas mauuna ang deadline.

Hangga’t maaari ay magsimula nang mas maaga at iwasan ang cramming dahil lalo kang mai-i-stress sa kakaisip na malapit na ang deadline. Ito ay makakaapekto sa pagtutuon ng pansin sa mas dapat na isipin.

Tulog-tulog din. Tapusin kaagad ang iyong mga ginagawa kung may lakad ka kinabukasan upang makatulog nang maaga dahil kung magpupuyat ka ay may tsansa na mag-oversleep ka.

Kung hindi ka man ma-late ay siguradong lutang ang isip mo at mawawala ka sa wisyo dahil inaantok ang iyong diwa at kulang sa pahinga. Kaya ugaliin ang matulog nang maaga para fresh; more energy, mas happy.

Goodbye sa Snooze. Para hindi ma-late, siguraduhin na ang alarm mo ay sakto sa oras na kakailanganin mo upang maligo, makakain at mag-ayos ng sarili.

Bad trip ang ma-traffic. Hindi na bago sa atin ang traffic anumang araw o oras kaya gasgas na ang rason na na-traffic ka kaya ka late. Umalis nang maaga para siguradong makakarating ka sa tamang oras.

Kung isa kang busy na estudyante o empleyado, makakatulong ang paggamit ng planner upang siguradong wala kang makakalimutan na appointment.

Mababalikan mo rin sa kahit anong oras ang mga bagay na dapat mong gawin, pati kung kailan nakatakda ang “me time” mo. Kahit sa isang maliit na notebook lang o kalendaryo ay puwede naman.

Talagang daig ng maagap ang masipag dahil aanhin mo ang sipag kung late ka naman palagi.

Hindi lahat ng tao ay kayang maghintay, kaya kung male-late ka lang ay ‘wag mo na silang paasahin sa maagang call time. Sadyang mabilis lumipas ang oras kaya kailangan mong makipagsabayan dito.