Abante Tonite
Mabilis sa Balita

TIN puwede na malaman sa app

0 78

Maaari nang malaman o beripikahin ng mga taxpayer ang kanilang Taxpayer Identification Number o TIN sa pamamagitan ng smartphone.

Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa, kailangan lang ilagay sa mobile TIN app ang kOmpletong pangalan, petsa ng kapanganakan, address, civil status at pangalan ng asawa, kung mayroon man.

Dapat ding maglagay ng selfie ang taxpayer kasama ang isang valid government-issued ID bago magamit ang app.

Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan pang pumila sa mga district office ng BIR para magberipika ng TIN.

“This way, he will no longer visit and queue at our district offices to verify, or know his TIN,” saad ni Guballa. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.