Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinabla ni Pacman, anyare Ces

0 63

Panay-panay ang banat kay Senador Manny Pacquiao dahil sa away sa PDP-Laban.

Ngayong napatalsik na siya tiyak na marami ang humahalakhak at malamang ay kabilang dito ang isang sikat na personalidad na kumana dati kay Pacman makaraang tanggihan umano ito sa alok na maging handler sa 2022 elections.

Pero tama lang si Pacman maging maingat at mabusisi sa pagkuha ng mga handler dahil baka imbes bumango ay pulutin sa kangkungan sa mga handler na pera-pera ang habol at hindi ang suportahan ang kandidato ang pangunahing misyon.

***

Speaking of pulutin sa kangkungan, ano naman kaya ang nangyari sa nirerespeto nating broadcast journalist na si Ces Drilon at napapayag makasama sa isang programa sa radyo ang isang mambabatas na may hindi magandang reputasyon.

Sinabi nating hindi maganda ang reputasyon dahil minsan ng nakaladkad ang mambabatas na ito sa kontrobersiya.

Siya si Ang Probinsyano Party-list Alfred delos Santos na inakusahang nang-umbag ng waiter sa Legazpi, Albay.

Dahil sa pagpayag na maging pakner sa programa ay nadamay si Ces sa ngitngit ng netizens.

Inanunsyo kasi sa Instagram ni Ces ang kanyang programa kasama ang kongresista kaya imbes na i-good luck ay katakot-takot na paalala ang inabot ng beteranong broadcast journalist sa nakaraan ng mambabatas.

Hindi lang ‘yan dahil mukhang comeback show ito ni Ces matapos isara ang ABS-CBN pero nega agad sa dahil sa hindi masikmurang tandem nya. Sayang naman.

Kaya tanong tuloy ng ilang usisero kanino kaya galing ang gagastusin sa programa bilang blocktimer dahil malabo namang kunin ng istasyon ang mambabatas kasama ni Ces?

***

Seryoso ba si Pangulong Rodrigo Duterte sa tinuran niya kahapon na tatakbo na lang siyang Vice President para magkaroon ng immunity sa mga ipinopormang kaso laban sa kanya ng mga kritiko?

Wish ko ay joke lang naman ito ng Pangulo dahil sakaling manalo siyang VP na mukhang posible sapagkat napakalakas pa rin niya sa mga survey ay panibagong problema sa bayan ang idudulot nito.

Katakot-takot na pag-iingay na naman ang gagawin ng mga kritiko at makakapekto ito sa kanyang hangaring ipagpatuloy ang mga nasimulan katuwang ang sinumang papalaring manalo sa 2022 kahit sabihin nating may immunity na siya tiyak na malaking ingay pa rin ang lilikhain ng mga ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.