Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinakasan ng binentahan ng hulugang motorsiklo

0 911

Hello Atty. Claire,

Pinasalo ko po ang motor ko tapos may mga notaryadong kasunduan kami na kapag ‘di na nya kayang bayaran sauli nya na sa akin kaso ang nangyari po ay tinakasan ako ngayon po ako ang hinabol ng casa kasi sa akin nakapangalan yun motor. Wala po akong trabaho ngayon sa kadahilanang PWD po ako ano po pwede kung gawin Atty?

Maraming salamat po
Renz

Mr. Renz,

Yung nabentahan mo ba ay kilala mo? Paano ka tinakasan? Wala ba siyang naibayad sa iyo? Kung tinakasan lamang niya ang obligasyon niya sa pagbabayad ng kabuan sa casa ay talagang ikaw pa rin ang hahabulin ng casa dahil wala siyang partisipasyon sa iyong naging kasunduan sa bumili sa iyo at mananatiling hindi ka bayad sa casa.

Ano ang maaaring maging epekto nito? Kapag di nabayaran sa casa ng nanloko sa iyo ay ipapahanap nila ang sasakyan at magsasampa ng kasong Replevin para makuha ang possession nito at kapag di makita at maaari itong ipadeklarang hot car.

Maaari rin naman nilang ituloy ang demanda upang makakolekta ng kulang sa bayad mula sa iyo. Maaari mong gamiting depensa na naibenta mo kaya’t dapat mong alamin kung nasaan ba yang pinagbentahan mo para siyang maging depensa mo.

Sa mga nagbebenta..bago kayo magbenta ay dapat makipag ugnayan sa casa, sa banko o sinumang binabayaran para sa mga bagay na ito tulad ng kotse,motor,etc. para kung approved ang assumption of mortgage ay hindi na kayo mahahabol pa ng binilhan at pinagkakautangan pa ninyo.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com.

Pleasr subscribe to my youtube channel -Ito ang Batas with Atty. Claire Castro.

Leave A Reply

Your email address will not be published.