Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinamaan ang ugat

0 93

Nakakainis ang pakiramdam na parang may kumukuryente sa mga kamay at paa mo. Minsan naman ay wala kang pakiramdam. Natusok ka na pala ng thumbtack, hindi mo pa alam hanggang magdugo na.

Isa sa mga tinatamaan ng diabetes ang mga ugat o nerves. Unang tinatamaan ng peripheral neuropathy ang mga dulo ng daliri hanggang sa gumapang na sa buong kamay at braso at sa mga binti at hita. Hindi na rin narararamdaman kung mainit o malamig ba ang kanilang hinahawakan.

Pero puwede namang maiwasan o mapabagal ang pagkasira ng nerves. Ang kailangan lang ay mapanatiling normal ang kanilang blood sugar level. Ang normal ay nasa 100. Kailangan ding uminom ng Vitamin B12 at kumain ng gulay na madadahon tulad ng spinach, isda, itlog, karne at low fat na dairy. Regular din dapat ang pag eehersisyo at bawasan ang timbang. Tigilan din ang paninigarilyo kung diabetiko na.

Kung may neuropathy na, huwag nang uupo nang naka-de kuatro at idinidiin ang mga siko dahil lilikha ito ng panibagong nerve damage.

Imasahe rin ang paa at kamay para sa magandang sirkulasyon ng dugo at pagpapakilos sa ugat. At laging tingnan ang paa – baka mayroon na itong mga sugat na hindi nararamdaman dahil sa pagkasira ng ugat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.