Tinamaan ng dengue higit 300K na; 1,247 namatay

244

Umabot na sa 307,704 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa mula Enero 1 hanggang Setyembre 14 ngayong taon.

Nabatid sa pinakahuling Dengue Surveillance Report ng Department of Health (DOH), mas mataas umano ang naturang bilang sa 142,783 kaso ng dengue na naitala sa kaparehong panahon noong 2018.

Nalaman na aabot naman sa 1,247 ang bilang ng mga nasawi na halos malapit nang magdoble sa 742 na naitala noong kaparehong panahon ng 2018.

Naitala umano ang pinakamaraming kaso ng mga namatay dahil sa dengue sa Western Visayas, 214; sinundan ng Calabarzon, 152; National Capital Region, 122; at sa Central Visayas, 109.

Patuloy naman ang isinasagawang monitoring ng DOH sa mga rehiyon sa bansa na may mataas na kaso ng dengue katulad sa Calabarzon na may pinakamaraming kaso na umaabot sa 49,661. ­(Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...