Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinamaan ng Omicron variant sa PH lumobo pa

0 36

May panibagong 104 kaso ng mas nakakahawang Omicron subvariants BA.5, BA.4, at BA.2.12.1, ang na-detect ng Department of Health (DOH) sa bansa.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, 95 ang karagdagang kaso ng BA.5, 7 ang kaso ng BA.4, at 2 ang bagong kaso ng BA2.12.1.

Sanhi nito nasa 3,107 na ang kaso ng iba’t ibang COVID variant sa bansa.

Sa 95 bagong kaso ng BA.5 case ay 83 ang nakarekober, 5 ang nasa isolation habang bineberipika pa ang status ng pitong pasyente.

Nabatid na 67 pasyente ang mula sa Davao region, 25 sa Cagayan Valley at tig-1 sa Northern Mindanao, Caraga, at Metro Manila.

Nabatid pa kay Vergeire na limang pasyente ang mula sa Soccksargen at 2 ay mula sa Davao region at lahat sila ay fully vaccinated.

Una nang naitala ngayon linggo sa bansa ang unang 2 kaso ng Omicron BA.2.75 subvariant sa 2 pasyente mula sa Western Visayas. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.