Abante Tonite Interactive

Tinamasa ngayon

By
9

Dahil sa malinis na pamamahala ni dating Pa­ngulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino nabiyayaan ng Royal Australian Navy (RAN) ang bansa ng dala­wang sasakyang pandagat at kasalukuyang ginagamit ng gobyerno sa pagpatrulya.

Ang dalawang Landing Craft Heavy na pina­kabagong mga gamit ngayon ng Philippine Navy, ito’y naunang dumaong sa Sangley Point. Take note: Tatlo pang sasakyang pandagat ang target na makuha ngayong taon at nawa’y ipagkaloob kay Pangulong Rodrigo Duterte ng mga Australyano.

Ang bagong mga sakaksayang pandagat bilang BRP Batak (AT-299) at BRP Ivatan (AT291), ito’y lalo pang magpapalakas sa Philippine Navy na bantayan ang katubigan sa Pilipinas ngayong lumalalim ang pangbu-bully ng China.

Abante Hiring – IT dep

Bukod dito, mangunguna rin ang mga sasak­yang pandagat sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko sa panahon ng sakuna at masiguro ang mas mabilis na paghahatid ng tulong, kabilang na ang naglalakihang equipment sa iba’t ibang panig ng bansa.

Mayroong kakayahan ang BRP Ivatan na magdala 163.2 toneladang kargamento at maaring magsakay at magbaba maging ng mga sasakyan.

Ang sobrang pagtitiwala ng international community sa malinis na liderato ni Aquino ang rason kung bakit natutuwa at tumutulong sa Pilipinas ang mga dayuhang bansa na ngayo’y tinatamasa ng administrasyong Duterte.

***

Kung bakit madami ang nahuhuling krimen sa CCTV, ito’y dahil nagawa ng nakaraang administrasyon, sa pamamagitan ng Crime Incident Recording System na nagpabuti sa dokumentasyon ng mga krimen sa bansa.

Nakatulong ng malaki sa mabilis na pagresponde ng mga pulis ang ikinabit na daan-daang CCTV cameras sa iba’t ibang parte ng National Capital Region (NCR) na ikinokonsiderang crime hot spots.

Bilang bahagi ng modernisasyon ng ating kapulisan, inaprubahan ng nakaraang administrasyon ang pagbili sa 2,523 patrol jeeps, 577 utility vehicles, 5,736 motorcycles, 29,266 handheld radios at 3,328 investigative kits.

Malinaw ang malasakit ng dating Pangulo kung saan hindi lamang ang pagpapalakas sa puwersa at pagpapaunlad sa kakayahan ng mga pulis ang

tinututukan kundi maging ang kanilang pa­ngangailangan sa trabaho at mga benepisyo.

Sa katunayan, umabot na sa 25,000 housing units ang naipamahagi sa kuwalipikadong mga kasapi ng PNP.

Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)