Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinangay ng lungkot, jobless nagbigti

0 265

Dahil sa dinaranas na lungkot at depresyon, isang 30-anyos na lalaki ang nagpasyang magbigti na lang kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.

Ang 30-anyos na biktima ay jobless at taga-Marikina.

Sa ulat ng Marikina City Police, ika-2:20 ng madaling araw nang magulat na lang si Aling Delia, nanay ng biktima, nang madiskubre ang anak na nakabigti sa kanilang kusina. Itinali ng biktima ang kawad ng antenna sa kanyang leeg at ang kabilang dulo ay ipinulupot sa nakausling bakal.

Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima maliban sa bakas ng tali sa leeg nito.

Inamin ng ginang na dumaranas ng depresyon ang kanyang anak ngunit hindi na tinukoy pa ang dahilan nito.

Tumanggi na ring paimbestigahan ng pamilya ang pagkamatay ng biktima sa paniwalang walang naganap na foul play sa insidente. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.