Abante Tonite Interactive

Tinapay nagkakaubusan! Gardenia naglimit ng produksyon

500

Napuwersa ang pinakamalaking manufacturer ng tinapay sa bansa na magbawas ng may 60% ng kanilang produksiyon matapos ang implimemtasyon ng enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19.

Ayon kay Nestor Constancia, marketing and sales manaher ng Gardenia na hindi nila mapanatili ang demand dahil may problema sila sa mga workers.

“We are not even at 50 percent of our capability. Maybe just 40 percent. We continue to have problems with people reporting [for work],” ayon kay Constancia.

Nabatid na ang pabrika ng Gardenia ay nasa bayan ng Biñan, Laguna, na nagpatupad na ng lockdown matapos na maitala ang unang kaso na nagpositibo sa COVID19.

Sinabi ni Constancia na hundi na umano pinapasok ng Sta. Rosa,ang mga tao sa kapitbahay na lugar kung saan nakatira ang karamihan ng mga manggagawa.

Nalaman na gumagawa ng 650,000 loaves at buns ang planta na ipinamamahagi sa Meteo Manila at Southern Luzon markets.

Nakakapag deliver pa naman sa mga supermarkets ng tinapay pero madali itong maubos.

Tonite – Wendys Inhouse Ad