Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinapay sirit uli presyo

0 54

Bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng asukal, nakatakda na namang magpatupad ng price adjustment sa produktong tinapay.

Ayon kay Asosasyon ng Panaderong Pilipino Director Jam Mauleon, ikinalulungkot nilang ianunsiyo na hindi maiiwasan ang pagdagdag sa presyo ng tinapay dahil sa pagtaas ng presyo ng asukal na panguna­hing ginagamit ng mga panadero sa paggawa ng tinapay.

“Kailangan po talaga magpatupad ng adjustment upang ‘maka-survive’ ang hanapbuhay ng mga bakers,” ani Mauleon.

Maliban sa asukal, nag-abiso na rin ng dagdag-presyo sa supermarkets ang mga manufacturer ng 28 produkto kahit hindi naman umano ito basic goods.

Inihayag naman ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na malapit nang desisyunan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit na increase ng sangkaterbang basic goods na noong nakaraang administrasyon pa humihiling. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.