Abante Tonite Interactive

Tinapos ang 12 sunod semplang Air Force lunod kay Bombita, BaliPure

264

Humambalos si team captain Grazielle Bombita ng 23 points sa likod ng 22 attacks at 1 service ace kala- kip pa ang 15 digs upang angklahan ang BaliPure sa pagsubsob sa Philippine Air Force, 26-24, 16-25, 25-19, 17-25, 17-15, sa 3rd Premier Volleyball League Open Confe- rence 2019 eliminations, Miyerkoles nang gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Agapayan kay Bombita sina Menchie Tubiera at Satriani Espiritu ng 17 at 13 markers para patirin ng Purest Water Defenders ang 12-games losing streak, kabilang ang 10 sa season-opening Reinforced Conference.

Nabunutan na ng tinik sa lalamunan niya si Rommel Abella.

“Sobrang nakaka-relieve yun ang napi-feel ko ngayon kasi gustong-gusto kong manalo para sa girls, para sa mga player kasi I know kung gaano kalaki yung sinasakripisyo nila saka yung pinapagod nila every training, so finally nakuha na namin yung first win,” litanya ng BP coach.

“Especially nung fifth set, yung crucial part it showed yung heart ng mga player especially si Grace (Bombita). Nakita naman natin nagka-cramps na pero she fought through it so I applaud yung effort and heart nya,” panapos niya.

Lugmok ang Jet Spi-kers sa 0-3 maski nakaiskor ng tig-13 puntos sina Jozza Cabalsa at Dell Palomata, at maka-12 si Angel Antipuesto got 12.

Sunod na makakatapat ng BaliPure ang Motolite sa darating na Linggo, Agosto 25. (J­aniel Abby Toralba)