Abante Tonite Interactive

Tinatakot sa utang

497

Dear Atty. Claire:

Meron po akong credit card na may limit na P25,000. Noong may trabaho po ako ay nababayaran ko naman ito pero sa hindi inaasahan ay nawalan ako ng trabaho kaya ‘di ko na mabayaran ang utang sa credit card ko.

Ngayon po ay nakakatanggap na ako ng mga demand letter galing sa kanila.

Balak ko naman po bayaran sila paunti-unti kapag nakapagtrabaho na uli ako.

Pero sa ngayon wala talaga akong kakayahang magbayad sa halagang hinihingi nila.

Single parent po ako at ‘yung tatay ng anak ko ‘di pinanagutan. Hindi na rin ako nakakatulog dahil sa takot. Ano po ba ang dapat kong gawin?

Tulungan niyo po ako.
Arci

Ms. Arci:

Alam ko na may dapat kang bayarang utang at nakita ko naman sa iyo na wala kang balak na takbuhan ang pagkakautang mo. Nasabi mo na binalak mong magbayad nang paunti-unti pero hindi ka pinakinggan.

Totoo na maaari kang kasuhan ngunit tandaan mo na may karapatan kang mari­nig sa korte at ipakita ang anumang depensa mo bago ito magdesisyon at si­ngilin ang mga utang mo.

Ang sinasabi nila sa iyo ay pulos panloloko ng mga naniningil sa iyo upang sumang-ayon ka na lamang sa gusto nila nang hindi na magsasampa pa ng kaso sa korte.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8410-7624 o 8922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.