Abante Tonite Interactive

Tinawag na palamunin ang asawa Pokwang nagpatikim ng talak, mura sa basher

By
4,124

Isa si Pokwang sa nakaka-good vibes na mga celeb sa social media at halos lahat ng mga post niya ay pampaaliw lang, pero ‘pag inimbiyerna mo siya ay kaya ka niyang talakan nang bongga.

Nakatikim hindi lang ng talak kundi pati ng malutong na mura ang isang basher na tinawag na ‘palamunin’ ang Ame­rican partner ni Pokie at ama ng anak niyang si Malia na si Lee O’Brian.

Maldita ang hirit ni ate girl sa IG account ni Malia, na ang post ay picture ni Baby Malia with Karla Estrada at ng anak nitong si Carmela at cute pamangkin na si Jordan.

“Asawa ni Pokwang, puti nga pero palamunin naman niya… wawa naman Pokwang, siya pa nagwo-work, ang asawa wala lang…” sabi ng basher.

Sinagot ito ng iritadang komedyana ng, “Ano problema mo? Ikaw ba nagpapalamon? Kung wala kang kaligayahan sa buhay, sa impiyerno ka pumunta!

“Tapos kapag sumagot at lumaban kaming artista sa mga pangdadaot n’yo, sasabihin n’yo agad masama pala ugali ng artista? Ano? Kayo lang may karapatan masaktan at sumagot?

“Hunghang! Eto lang masasabi ko bilang tao at hindi ako Diyos! PUTANG INA MO ULOL!!!”

Humirit pa si Pokie ng, “Sorry ha, hindi kasi ako patay gutom sa pera! At hindi sa pera nasusukat tunay na pagmamahal, puta ka!

“Kungsabagay, nasa itsura mo ang sabik sa pera pambili ng whitening lotion mo na mukha kang anan na kumalat!

“Ikaw ang kawawa kasi patay gutom ka sa pera, pero wala kang pagmamahal na tunay diyan sa puso mo kung meron man!

“At huwag dito sa account ng inosente kong anak magkalat ng kademonyohan mo! Mahiya ka naman kung meron ka non!”

Binakbakan din ng mga IG follower ni Pokwang ang nasabing basher at hindi na ito nakaimik.

Kahapon (June 18) ang 5th month ni Malia. Bale pangalawang baby ito nina Lee at Pokie, na nagka-miscarriage sa first baby nila nu’ng 2015.

Nagkakilala at nagkainlaban ang PokLee nang gawin nila ang pelikulang ‘EDSA Woolworth’ sa Amerika nu’ng 2014.

Mensahe ng doktorang anak kay Jose nakakaiyak

Napuno ang social media ng sari-saring greetings ng mga celebrity kaugnay ng Father’s Day celebration last Sunday.

Isa sa most touching posts sa Instagram ay mula sa non-showbiz daughter ni Jose Manalo na si Myki Manalo na isang doktora.

Ang sabi ng chinitang anak ni Jose sa pinost nitong pic nilang mag-ama sa IG, “I remember this one time back in college when I had personal problems and I was being particularly difficult.

“I didn’t attend all my classes one day, even missed an exam, and you caught me. Surprisingly, you didn’t get mad. You were unusually calm. You picked me up from where I was, brought me to an ice cream place near DLSU and just remained quiet.

“Eventually I cried so hard. I couldn’t stop. You just hugged me. We stayed like that for a long while. No words were needed. You understood me. You always stood by my side.

“Your mere presence was enough to get me through. I yearn for it daily. I miss you, daddy. Please keep yourself healthy and happy. Happy father’s day!”

Maraming na-touch sa Father’s Day message na ‘yon ni Myki at ang da­ming nag-comment na naiyak sila sa nasabing post.

Pinuri ng mga netizen ang pagiging ama ni Jose at ang suwerte raw ng komedyante sa anak nito na katulad ni Myki.

Anila, kapuri-puri si Myki dahil anuman ang pinagdaanan ng pamilya nila ay nanatili itong mabuting anak.

Nag-comment si Lovely Abella na ipapakita nito ang post na ‘yon ni Myki kay Jose. Magkasama ang dalawa sa ‘Sunday PinaSaya’ at si Lovely ay girlfriend ng anak ni Jose na si Benj Manalo na nag-aartista rin.

Surgical Resident sa Capitol Medical Center ang 26-anyos na Fil-Japanese daughter ni Jose.

Graduate si Myki ng kursong Psycho­logy sa DLSU at nagtapos din ng Doctor of Medicine sa FEU-NRMF.

Last year ay pumasa siya sa Physician Licensure Exam kaya isa na siyang licensed doctor.

Palaging sinasabi ni Jose na sobrang proud siya sa kanyang doktorang anak na si Myki.

Kahit may kanya-kanya nang buhay ang mga anak ni Jose at hindi sila gaanong nagkikita-kita ay tila hindi nawawala ang respeto at pag-alala ng mga ito sa kanilang ama.