Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tindera ng BBQ hinoldap

0 205

Kulungan ang bagsak ng isang 34-anyos na lalaki matapos holdapin ang babaeng tindera ng barbeque, kamakalawa ng hapon sa Barangay Addition Hills, San Juan City.

Nahaharap sa kasong robbery/hold-up ang suspek na si Alberto Maranan Jr., residente ng San Juan City.

Inaresto ang suspek bandang alas-singko Huwebes ng hapon sa A. Hoover St., Barangay Addition Hills matapos ireklamo ng biktimang si Ginielyn Delos Santos, 34-anyos, street vendor.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa report, si Sharlyn Abubo, kapitbahay ng biktima, ang nagpabatid sa San Juan Police Sub-Station 2 na hinoldap ang biktima.

Kinaladkad umano ni Maranan si Delos Santos papunta sa bahay ng huli at doon hinoldap ng suspek. Agad tumakbo ang suspek nang magsisigaw si Abubo at humingi ng tulong.

Narekober mula sa suspek ang dalawang cellphone at isang kitchen knife.

Kasalukuyang nakakulong si Maranan sa San Juan detention cell. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.