Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tindero ng karne pinasabog ang bungo

0 39

Dead on the spot ang isang 26-anyos na tindero ng karne matapos siyang barilin ng hindi nakilalang salarin sa harap ng kanyang tindahan sa Sariaya, Quezon, Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Rhovell Morillo Palacio, residente ng Brgy. Janagdong 1.

Batay sa report ng Sariaya Police, dakong alas-6:00 ng umaga, nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang inuupahang apartment na siyang tindahan ng karne sa Brgy. Mamala 2 nang mula sa likuran ay binaril siya ng suspek.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad bumulagta si Palacio sa kalsada matapos magtamo ng isang tama sa ulo. Mabilis namang tumakas ang suspek patungo sa hindi natukoy na direksyon.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng kalibre .45 baril at isang magazine na may anim na bala na naiwan ng suspek sa kanyang pagtakas.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at kung sino ang suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.