Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tindero tiklo sa sukbit na boga

0 30

Timbog ang isang tindero matapos mahulihan ng baril sa Taguig City.

Ayon sa report, nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng Taguig Police Station nang matiyempuhan ang suspek na kinilalang si Edwin Molato na may caliber .38 na nakasukbit sa kanyang beywang.

Hinanapan siya ng dokumento para sab aril subalit walang maipakita kung kaya’t agad na inaresto ng mga pulis.

SM food to go Banner Ad

Nakita rin na kargado pa ng apat na bala ang kanyang baril.

Sasampahan si Molato ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at election gun ban. (Damien Horatio Catada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.