Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinedyer bulagta sa energy drink

0 199

Tuluyang nang mahimbing ang tulog ng isang padyak driver nang hindi na ito magising at isa sa nakikitang dahilan ay matapos masobrahan sa ininom na energy drink, Biyernes ng gabi sa Barangay Carmen, Cagayan De Oro City.

Nakilala ang biktima na si Emel Baclay, 17-anyos, out of school youth, sidecar driver at residente ng Kusina, Talakag, Bukidnon.

Ayon sa operator ng biktima na si Merlyn, malakas uminom ng energy drink ang biktima. Kahit aniya walang laman ang tiyan ay umiinom pa rin ang binatilyo.

Bagamat laging pinapaalahanan na umawat sa pag-inom ay tumutodo pa rin ito hanggang sa matagpuan na lang itong bumulagta at bangkay na sa loob ng pinapasadang sidecar.

Nilinaw naman ni Police Master Sergeant Francisco Tumanda ng Carmen Police Station na walang foul play sa pagkamatay ng biktima.

Nakatakda namang isailalim sa swab test ang bangkay ng biktima upang malaman kung may coronavirus disease ito. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.