Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinedyer kinalasan ng nobya, nagbigti

0 75

Posibleng dahil sa labis na sama ng loob ay winakasan ng 19-anyos na lalaki ang kanyang buhay matapos hiwalayan umano ng kanyang nobya sa Quezon City, Huwebes ng madaling-araw.

Ang biktima ay residente ng Barangay Payatas, QC.

Sa report ng CIDU-QCPD, alas-7:30 ng umaga kahapon nang matagpuan ang nakabigting katawan ng biktima sa kisame ng kanyang tahanan.

Batay sa pahayag ng kasamahan sa bahay ng biktima, pagkagising umano niya ay nagulantang na lang siyang bumungad sa kanya ang katawan ng binatilyo sa kisame. Agad siyang humingi ng saklolo sa kanyang mga kaanak pero nang maibaba ang katawan ay wala na itong buhay.

Nabatid na bago ang insidente, nakipag-break umano ang nobya ng biktima dahil sa isang hindi pagkakaunawaan.

Samantala, puwedeng tawagan ang NCMH 24/7 crisis hotlines na 0917-899-8727 (cellphone) o 7989-8727 o 1553 (telepono) para sa mga Pinoy na may kinahaharap na suliranin o nanganganib mag-suicide. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.