Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinedyer lasing na nagmotor, 2 pang angkas tsugi

0 89

Nasawi ang tatlo katao kabilang ang dalawang menor de edad nang bumangga sa isang bus ang sinasakyan nilang motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sinasabing binabaybay ng mga biktima ang kahabaan ng Barangay Bagong Buhay 2 habang lango umano sa alak kaya’t sumalpok sila sa bus na papuntang Barangay Sapang Palay.

Dead on the spot ang 17-anyos na lalaking driver at ang 14-anyos na dalagitang angkas sa gitna.

Kinilala naman ang isa pang nasawi na si Edward Tan, 28, angkas sa likod.

Ayon sa driver ng bus, tinangka pa niyang iwasan ang motorsiklo ngunit nabigo siya dahil na rin sa bilis ng takbo nito. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.