Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinedyer nagmura sa pulis, binitbit

0 206

Patung-patong na kaso ang haharapin ng isang tinedyer 19 na nagtangkang manlaban matapos na murahin at kuwestiyunin ang mga pulis na nanita sa kanya kahapon sa San Andres Bukid ,Maynila.

Sinampahan ng kasong paglabag sa ART 155 (Alarm and Scandal), Unjust vexation, ART 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority), RO 8627 (Mandatory Wearing of Face Mask) at Curfew in Relation to IATF Guidelines at MMDA Resolution No 21-09 Series of 2021, ang suspek na si Dan Mar Libay, 19, tricycle driver at taga-San Andres Bukid, Maynila.

Naganap ang insidente, ala-1:15 ng madaling araw sa Estrada St., San Andres Bukid, Maynila.

Nagsasagawa ng Anti-Criminality operation sina PCPL Miguel Angelo Pacis at PCPL Dan Kristoffer Bautista, nakatalaga sa Dagonoy PCP nang mamataan ang suspek na nakasakay ng motorsiklo at nagmumura sa mga taong nasa lugar dahilan para parahin ng mga pulis.

Habang nakikipag-usap sa mga pulis kinuwestiyon ng suspek ang ginawang pag-aresto sa kanya at saka umano sila minura dahilan para tuluyan siyang bitbitin.

Tinangka pang tumakas ng suspek pero naawat ng mga pulis. Matapos ipa-medical ay idiniretso na sa himpilan ng pulisya ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.