Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinedyer nagpaputok sa Taguig, tinimbog

0 46

Timbog ang dalawang teenager matapos magpaputok ng baril ang isa sa gitna ng umiiral na election gun ban sa Taguig.

Base sa imbestigasyon, isang miyembro ng Barangay Security Force ang nakakita sa 18-anyos na suspek, na bumunot ng baril at nagpaputok, sa Brgy. Ibayo-Tipas nitong Huwebes ng umaga.

Agad na rumesponde ang iba pang tauhan ng BSF kaya nasakote ito kasama ang isa pang 19-anyos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasamsam sa 18-anyos ang isang 9mm pistol na may tatlong bala, habang nakumpiska sa kasama nito ang isang kitchen knife na 12 pulgada ang haba.

Bukod sa paglabag sa gun ban sa ilalim ng Omnibus Election Code, kakasuhan ang dalawa ng Alarm and Scandal, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at iligal na pagdadala ng bladed weapon. (Damien Horatio Catada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.