Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinedyer timbog sa bundol-holdap

0 77

Inaresto ng Manila Police District ang isang menor de edad na holdaper na ang modus operandi ay bundulin ang kanilang biktima, sasaksakin at bubugbugin saka tatangayan ng gamit sa Maynila.

Huli umano ang 17-anyos na suspek ng MPD-Police Station 4. Kasabwat nito si Harries Hogan, na pinaghahanap pa.

Naganap ang panghoholdap kay John Christopher Reyes, 27, hotel receptionist, Enero22 ng alas-2:45 ng madaling araw sa Vicente Cruz St., Sampaloc.

Naglalakad ang biktima nang bundulin ng tricycle bago bumaba ang dalawang suspek. Binugbog nila at sinaksak ng 2 beses ang biktima saka tinangayan ng gamit. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.