Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinedyer tinamaan ng kidlat sa Bustos dam

0 87

Tuluyang nasawi ang isang binatilyo nang tamaan ito ng kidlat habang lumalangoy sa Bustos Dam sa Barangay Tibagan, Bulacan nitong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Reniel Villante Buela, residente ng Barangay Bintog sa Plaridel, Bulacan.

Sa imbestigasyon ng Bustos police, nagsi-swimming ang biktima sa naturang Dam kasama ang kanyang pamilya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang pagkidlat.

Sa pahayag ng lola ng biktima, tinamaan umano ang kanyang apo ng kidlat habang lumalangoy ito kung saan nagtamo ito ng malalim na sugat sa ulo.

Agad namang isinugod sa ospital ang menor de edad ngunit idineklara itong dead on arrival. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.