Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinedyer todas sa Dengvaxia – PAO

0 157

Inihayag ng Public Attorney’s Office (PAO) nitong Huwebes na may isa pang nasawi matapos bakunahan kontra dengue sa pamamagitan ng Dengvaxia.

Ayon kay PAO forensic team chief Dr. Erwin Erfe, pumanaw ang biktimang tinedyer na kinilala nitong si JC Albert Legaspi habang ginagamot sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City noong Miyerkoles.

Sabi ni Erfe, humingi ng tulong ang mga magulang at kaanak ng biktima sa PAO para masuri ng forensic team ang mga labi ng tinedyer.

Aniya, dinapuan ng dengue ang biktima at tatlong beses binakunahan ng Dengvaxia noong Hunyo 2016, Pebrero 2017, at Setyembre 2017.

Dagdag pa ni Erfe, nagtamo ng multi-organ enlargement at bleeding ang biktima na katulad umano sa nakita nila sa autopsy ng iba pang nasawi sa Dengvaxia simula noong Disyembre 2017. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.