Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinodas na abogado, hawak DPWH poste scam

0 205

Ni Nancy Carvajal

Puspusan ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa naganap na daylight killing sa Cebu lawyer na si Joey Luis Wee noong Lunes.

Si Wee ay nagtapos sa San Beda at miyembro ng Lex Leonum Fraternitas.

Nabatid na bukod sa kabilang si Wee sa abogado ng mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa diumano’y maanomalya o overpriced lamp post noong 2007 ay marami pa itong hinawakang mga corporate at politikal na kaso.

SM food to go Banner Ad

Iniimbestigahan ngayon at nasa Cebu City ang mga forensic experts at iba pang intelligence agents ng NBI na pinamumunuan ni Eric Distor upang tutukan ang kaso kung saan nakunan ng video ang ginawang pamamaril sa abogado.

Sa video footage, mag-isang naglalakad ang biktima papasok ng kanyang opisina sa Barangay Kasambagan nang biglang lumutang ang dalawang salarin at malapitan itong barilin.

“`We are working double time to solve the killings and we have augmented our intelligence personnel to identify and apprehend the criminals,’’ ayon kay Distor kung saan kanila rin aniyang kakalkalin ang malalaki at mga lumang kasong hinawakan ng Cebu lawyer.

Bukod sa kaso ni Wee ay kasama rin ang top official na si Distor sa special investigator’s team ng NBI sa Palawan City para mag-imbestiga sa pagkamatay ng isa pang abogadong si Jay Magcamit.

Lumalabas sa report na ang pinaslang na abogado ay ika-53 na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.