Abante Tonite Interactive

Tinolang bangus para sa Mahal na Araw

611

Tuwing sumasapit ang Mahal na Araw partikular na kapag Biyernes Santo ay naging tradisyon na ng mga Romano Katoliko ang hindi pagkain ng anumang uri ng karne. Ito anila ay bilang bahagi na rin ng kanilang pagpapakasakit o pagsasakrispisyo sa ginawa ni Hesus para mailigtas tayo. Dahil dito ay naghanda tayo ng recipe na akma ngayong Holy Week.

Mga Sangkap:

1 bangus large size (sliced)
1 papaya large size (balatan at hiwain)
Dahon ng sili
3 siling berde
2 luya thumb size (cut into strips)
1 sibuyas large size onion (sliced)
5 butil ng pinitpit na bawang
1 tsp. whole pepper corn
Salt or patis panimpla
¼ tsp. Maggie magic sarap (optional)
2 tbsp. mantika

Paraan ng pagluluto:

Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika. Lagyan ng nais na dami ng tubig na pang-sabaw. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto. Ilagay na ang bangus at ang papaya. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang isda at papaya. Isunod ang siling berde.

Timplahan ng pamintang buo, asin o patis at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.

Huling ilagay ang dahon ng sili at saka patayin ang kalan.
Ihain habang mainit pa ang sabaw. Enjoy!