Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinuklaw ng ahas, pipi hindi na nagising

0 81

Pumanaw ang isang pipi na bata matapos tuklawin ng ahas habang natutulog sila ng kanyang ama sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Carosucan Norte, Asingan, Pangasinan noong Linggo.

Ayon sa Asingan Police Station (APS), kinilala ang biktimang si Aris (hindi tunay na pangalan) ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, ayon sa barangay chairman na si Arturo Llagas ng Brgy. Carosucan Norte, pagkatapos maggabihan ang biktima ay nagpahinga na ito kasama ang ama.

Sa report, habang natutulog, dumaan umano ang ahas sa dibdib ng ama bago kinagat si Aris.

Nang tingnan ng ama ang anak ay nakitang duguan na ito sa noo kaya tinakbo nila agad sa ospital pero ito ay dead-on-arrival, ayon sa mga doktor.

Samantala, sinabi ni Llagas na ang likod ng bahay ng mag-ama ay may kawayan habang sa harap naman ay malapit sa kulungan ng baboy ng kapitbahay nila.

Ayon sa mga residente, hinihinalang nanggaling ang ahas sa hollow blocks na nakakamada sa harap ng bintana at doon ito dumaan papasok ng bahay ng biktima. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.