Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinutugis ng Calabarzon PNP nalambat sa Tondo

0 48

Nalambat ng mga elemento ng Manila Police District ang isang 52-anyos na lalaki na sinasabing Top 4 most wanted ng PRO4-A sa pinalakas na ‘Oplan Salik­sik’, kamakalawa sa Balut, Tondo, Maynila.

Kinilala ni P/ Lt. Col. Rizalino Ibay Jr., hepe ng MPD-Special Mayor Reaction Team (SMaRT), ang suspek na si Jesus C. Niones ng Brgy. Gregoria, General Mariano Alvarez, Cavite.

Ang operasyon ay gi­nawa ng SMaRT, kasama ang PNP Intelligence Unit 4A RID4A, PIT Cavite, at Carmona MPS 1 kung saan natunton si Niones sa tinutuluyang bahay nito sa Building 17, Permanent Housing, Brgy. 128 sa Balut, Tondo.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na si Niones ay wanted sa kasong murder at may standing arrest warrant mula sa korte.

Samantala, pinuri ni NCRPO Director P/Maj. Vi­cente Danao ang mga pulis dahil sa pagkakaaresto sa wanted. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.