Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tinutugis ng Interpol: Ex-DFA exec minanyak Koreana

0 530

Nireklamo ng sexual harassment ang dating Philippine ambassador sa South Korea sa kaniyang diplomatic post noong nakaraang Pebrero, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado.

Sa inilabas na statement ng DFA, natanggap ng Philippine Embassy sa Seoul ang reklamo habang ang hindi pinangalanang envoy na nagbitiw epektibo nitong Marso 16, ay nasa official business sa Manila.

Base sa Yonhap news agency, ang 69-anyos na ambassador na inilagay sa listahan ng mga wanted ng Interpol ay inireklamo ng pangmomolestiya ng isang Koerana na nangyari noong Disyembre 2019.

Tiniyak naman ng DFA na aaksyunan nila ang nasabing reklamo laban sa envoy at sa katunayan ay agad na silang bumuo ng investigating committee.

“The Department is committed to ensuring that justice is rendered in this case. It also remains committed in cultivating and preserving a work environment where all personnel are treated with respect and dignity, and free from harassment of any kind.” ayon sa DFA. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.