Abante Tonite Interactive

Tinuy-an falls at Tabon Caves

237

Ang Niagara Falls na matatagpuan sa hangganan ng Canada at Estados Unidos ay binubuo ng tatlong waterfalls. Tinawag ang tatlong waterfalls na ito sa mga pangalang Horseshoe Falls, American Falls at Bridgal Veil Falls.

***

May katulad na waterfalls sa Pilipinas ang Nia­gara Falls. Ang Tinuy-an Falls na tinaguriang “Nia­gara Falls ng Pilipinas” ay matatagpuan sa Bgy. Burboanan, Bislig, Surigao del Sur.

Abante Hiring – IT dep

***

Ang Tabon Caves ay matatagpuan sa Lipuun Point sa Quezon, Palawan. Nasa loob ito ng Lipuun Point Reservation na protektado ng pamahalaan upang mapanatili ang mga kuweba at mga cultural artifacts dito.

***

Related Posts

Mayroong 215 kuweba na matatagpuan sa Tabon Caves. Pito sa mga kuwebang ito na bukas sa publiko. Dito natagpuan ang itinuturing na pinakamatandang buto ng tao sa Pilipinas, ang Tabon Man, na nadiskubre noong 1962.

***

Ang kalye ng Mendiola sa San Miguel, Maynila ay ipinangalan kay Enrique Mendiola. Isa siyang edukador at sumulat din ng libro. Naging mi­yembro ng unang Board of Regents ng University of the Philippines.

***

Ang unang mechanical sawmill sa Pilipinas ay ang Aserradora Mecanica de Tuazon y Sanpedro na binuksan noong 1880s sa Lungsod ng Maynila. Ni­lagyan ng marker ng National Historical Commission ang lugar kung saan ito dating nakatayo sa pa­nulukan ng Globo de Oro at Gunao Sts., sa Quiapo, Maynila.

***

Ang Charles Fuller Baker Memorial Hall ay isa sa pinakalumang gusali sa campus ng University of the Philippines sa Los Baños, Laguna. Ipinangalan ito sa pangalawa at pinakamatagal na dekanong nanungkulan sa UPLB College of Agriculture.